Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. May sukat itong 44,936,000 km² o 17,159,995 milya kuwadrado (mi2).
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng mundo. May sukat itong 23Europa sa pamamagitan ng isang makinaryang libu-libong linya and dumadaan buhat sa Bundok Ural patungong Dagat Caspian, Bulubundukin ng Caucasus at sa Dagat Itim (Black Sea). Ang hangganang naghahati sa Africa at Asya ay ang Suez Canal at ang hangganan sa pagitan ng Hilagang Amerika At Asya ay ang Bering Strait. Sa hilaga ng Asya ay ang Karagatang Artiko at sa timog nito, ang Karagatang Indian. Ang Karagatang Pasipiko ang nasa silangan ng Asya at sa kanluran nito matatagpuan ang Bundok Ural, Dagat Caspian, Dagat Itim at Dagat Egeo.
Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay ang kabihasnang Tsina, India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng caspia,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at Afrika.....
No comments:
Post a Comment