Monday, June 20, 2011

BENIGNO AQUINO, JR.

TALAMBUHAY NI BENIGNO AQUINO, JR.

SI Benigno Aquino, JR. ay ipinanganak noong Nobyembre 27, 1932 sa Concepcion, Tarlac isa isang mayamang pamilya na may malawak na lupain. Siya ay pinatay noong Agosto 21, 1983.

Ang kaniyang lolo ay si Servillano Aquino, isang heneral noong himagsikang pinamumunuan ni Aguinaldo. Ang kaniyang ama ay na Benigno Aquino, Sr. (1894-1947) ay isang mataas na pinunoo noong Ikalawang Digmaan sa pamahalaan ni Jose P. Laurel Namatay ang kaniyang ama noong siya ay bata pa. Ang kaniyang ina ay si Dona Aurora Aquino.

Siya ay nag-aaral ng ng Bachelor of Arts ng siya ay huminto upang maging isang mamahayag sa Manila Times at ipinadala sa Korea upang isulat ang balita sa giyerang nagaganap sa bansa. Sa edad na labigpitong taong gulang, siya ang pinakabata sa mga mamamahayag.

Tumanggap siya ng medalya na kaloob ni Pangulong Elpidio Quirino. Kumuha siya ng Law sa Unibersidad ng Pilipinas nguni't tumigil siya at sa halip ay kumuha siya ng Journalism.

Noong 1954, siya ay ginawa siyang emisaryo ni Ramon Magsaysay upang kausapin si Luis Taruc ang lider ng Hukbalahap.

Si Luis Taruc ay sumuko pagkatapos ng apat na buwan na negosasyon. Siya ay naging alkalde sa Concepcion, Tarlac sa edad na 22. Pinakasalan din niya si Corazon"Cory" Aquino nang taong yaon. Sila ay nagkaroon ng limang anak; si Maria Elena, Aurora Corazon, Benigno Simeon III (Noynoy), Victoria Eliza (Viel), and at ang TV host na si Kristina Bernadette (Kris).

Noong 1961, sa edad na 29, siya ay nging pinakabatang bise-gobernador ng Tarlac. wiyq qy nahalal na senador noong 1967 sa edad na 34.

Siya ay naging mahigpit na kritiki ni Pangulong Marcos at ang asawa nitong si Imelda Marcos

Naging popular siya na maging kalaban ni Pangulong Marcos pag nagkaroon ng halalan.

Nang ideklara ang Martial Law, si Benigno Aquino ang isa sa mga unang dinampot ng militar upang ikulong.

Noong abril 1975, siya ay naghunger strike nang 40 araw.

Nang 1978, nagkaroon ng eleksiyon para sa Interim batasang Pambansa.Kahit nakakulong siya ay tumakbo sa partidong Laban.

Natalo siya sampu ng kaniyang mga kasama dahil sa malawak na dayaan.

Noong 1980, siya ay naatake sa puso at kailangang magkaroon ng bypass.
Pinayagan siya ni First Lady imelda Marcos na umalis ng bansa para magpagamot sa kundisyong siya ay babalik at hindi siya magsasalita tungkol sa pamahalaan ni Marcos.

Si Aquino ay namalagi sa Estados Unidos ng tatlong taon. Siya ay sumusulat ng aklat
para sa Harvard University at Massachusets Institute of Technology.

Dahil sa balitang lumalalang sakit ni Marcos, ipinasya niyang umuwi upang bigyan ng pag-asa ang mga taong nawawalan na ng pag-asang mabago ang pamamahala.

Dahil ayaw siyang payagang bumalik ni Marcos, siya ay kumuha ng pasaporte sa pangalan ni Bonifacio Marcial.

Binalaan ng gobyerno ang mga eruplano na hindi sila hahayaang lumapag kung sakay si Ninoy Aquino.

Lumipad siya nang Agosto 13, dumaan ng Los Angeles, Malaysia, Hongkong, at Taipei.

Noong Agosto 21, siya ay binaril sa ulo ng lalaking inakusahan ng militar na siyang pumatay. Si Rolando Galman. Siya rin ay binaril sa tarmac.

Ang mga militar na nilitis at hindi naman umamin ay nakakulong pa habang ang iba ay nangamatay na.

Ang libing ni Ninoy Aquino ay inabot mula 9 ng umaga hanggang ika siyam ng gabi. Siya ay inilibing sa Manila Memorial Park. Mahigit dalawang milyong tao ay nasa kalsada upang
abangan ang pagdaan ng karosa kung saan nakasakay ang kabaong ni Ninoy.

No comments:

Post a Comment