Showing posts with label lyrics. Show all posts
Showing posts with label lyrics. Show all posts

Monday, August 8, 2011

San Jose Bayang Hirang Lyrics ( San Jose Hymn)


San Jose Bayang Hirang
O san jose baying hirang
Tampok nitong lalawigan
Ang bundok mo’t kagubatan
Ay bangan ng kabuhayan
Sa gulod mo’t sa bukirin
Nag sabog ang gintong butil
At sa langit mong ma bituin
Ang biyayaang kakamtin
(koro)

Ang buhay moy maalamat
Makundima’t mabulaklak
Bisig na malalakas
Sa pag suyo ay matimyas
O san jose bayang mahal
Kami sayo’y nalalaan
Maglingkod at mamatay
Upang ikaw ay mabuhay
(ulitin ang koro)

Awit ng rehiyon tatlo Lyrics


Awit ng rehiyon tatlo


Ang gitnang Luzon katangi-tangi
Sa dibdib ng ating lahi
Siyay nangunguna sa lahat
Kung kaunlaran ang siyang hangad
Itong rehiyon tatlo’y pagka ibigin
Na siyang dangal ng bayan natin
Tanghalin siya’t ating awitan
Kamanyang ating ialay
(ulitin ang simula)

Isang bansa, isang diwa Lyrics


Isang bansa, isang diwa

Tayo’y mga Pilipino
Tubo sa silangan
Nagkaisa,nagkabuklod
Diwa’y tinaguyod
Bisig natin ay pag isahin
Sa lahat ng mithiin
Tayo’y mga Pilipino
Sa lupang pinagpala
Ating bansa,ating diwa
Langit ang adhika
Luzon,visayas at Mindanao(2x)
Pilipinas ang tanglaw

Awit ng Nueva Ecija Lyrics


Awit Ng Nueva Ecija

SA UBOD NITONG LUZON

AY MAY LUPANG HINIRANG


SA LIKAS NYANG KAGANDAHAN


AY WALANG KAPANTAY

DITO ANG BUKIRIN

AY PINAG-AANIHAN


NG GINTONG BUTIL NG BUHAY


NA PAGKAIN NG TANAN

AMING NUEVA ECIJA, ANG LOOB MO’Y TIBAYAN

SA LANDAS NG PITA, NG PAGBABAGONG BUHAY


TAGLAYIN SA PUSO, ANG DAKILANG ARAL


NG MGA BAYANING, NAGHANDOG NG BUHAY

AMING NUEVA ECIJA, SA IYONG PAGSISIKAP

MAY GANTIMPALA KA SA PAGDATING NG ORAS


AMING NUEVA ECIJA, HAYO NA’T IKALAT



ANG MGA SILAHIS, NG ‘YONG PANGARAP








Pilipinas kong Mahal Lyrics


Pilipinas kong Mahal

Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas Kong Mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin kong gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong Hirang
...

Ako Ay Pilipino lyrics


Ako Ay Pilipino lyrics

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal

Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal

Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa
Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay Ako!