JOSE RIZAL
Si  Rizal ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Kalamba, Laguna. Ang  kanyang mga magulang ay sina Francisco Rizal at Teodora Alonzo. Si Jose  Rizal ay ika pito sa labing isang anak ng kanyang mga magulang. Ang mga  kapatid niya ay sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria,  Concepcion, Josefa, Trinidad, at Solidad.
                       Ang una niyang naging guro ay ang kanyang ina.  Noong nasa ika-siyam na gulang na siya, ipinadala siya ng kanyang ama sa  Binyan, Laguna upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Latin. Ang kanyang  naging guro ay napakadiseplinado. Ito ay si Justiano Aquino Cruz.  Pagkatapos niyang mag-aral sa Binyan, siya ay kumuha ng pagsusulit sa  Ateneo. Pero bago siya nakapasok ay dumaan muna siya sa isang pagsusulit  ng doktrinang Kristiano, pagsulat at matimatika. Noong unang taon niya  sa Ateneo natutunan niyang ayusin ng maayos ang kanyang mga programang  gagawin buong araw. Nagkaroon siya ng desiplina sa sarili, kaya noong  matapos ang taon nakuha niya ang markang “excellente” sa lahat ng aralin  at “accessits” sa lahat ng pagsusulit. Noong pangalawang taon na niya  sa Ateneo, nakakuha naman siya ng medalya at pangatlong taon, nanalo  siya ng unang gantimpala. Nasa ika-apat na taon na siya ng makakuha  naman siya ng limang medalya. At noong nasa ika-limang taon na siya ay  nag-aral siya ng Pilosopiya at iba pa. Siya rin ay natutong magsulat ng maiklling tula at kuwento (leyenda). Inilaan din niya ang kanyang mga oras sa pagpipinta at paglililok.
                       Noong natapos niya ang kanyang pag-aaral sa  Ateneo, siya ay kinumbinsi ng kanyang ama na mag-aral uli sa Unibersidad  ng Sto. Tomas. Dito niya naramdaman ang unang pag-ibig. Pero hindi ito  naging hadlang para makuha niya ang markang excellente sa metaphysics,  theology at kuwentong pilosopiya. Nakakuha rin siya ng medalya sa  araling topograpiya at agrikultura sa Ateneo. Noong 1878-1879, nag-aral  siya ng medisina sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Noon ding taong iyon  nakilala niya si Leonor Rivera sa bahay ng kanyang Tiyo Antonio. Si  Leonor ay maganda, maputi, kulot ang buhok, maliliit ang mata at  matangos ang ilong. Pero kahit mahulog ang kanyang loob ay hindi hindi  niya napabayaan ang pag-aaral at napasahan niya ang kanyang aralin sa  VST na may markang excellente. Sa chemistry “fair” sa phisika “good” at  sa Anotomy. Ang hindi niya makalimutang pangyayari sa kanyang buhay ay  nanalo siya ng unang gantimpala sa pagsulat ng tula (To The Filipino  Youth).
                       Pagkatapos mag-aral ng medisina, siya ay nagpasyang pumunta sa Espanya  upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, pero ito ay lingid sa  kaalaman ng kanyang mga magulang. Bukod sa Espanya, siya ay nagpunta sa  Germany. Habang nasa Germany siya sinulat niya ang “ Noli Me Tangere”,  na ang ibig sabihin ay huwag mo akong salingin. (Do not touch me).  Napapaloob dito ang buhay ng mga Pilipino sa lipunan, ang kanilang mga  paniniwala, pag-asa, kagustuhan at mga hinanakit sa mga dayuhan.  Pagkatapos niyang makuha ang kursong medisina (doctor sa mata) siya’y  muling bumalik sa Pilipinas upang dito ipagpatuloy ang kanyang  panggagamot. Si Rizal ay hindi pabor o sang-ayon sa pag-aalsa ng  katipunan dahil nalaman niya na hindi pa handa ang mga Pilipino para sa  pag-aalsang ito. Si Rizal ay nakipaglaban sa pamamagitan ng pagsulat.  Ang kanyang talino ang naging sandata upang makamit ang kalayaan ng  ating bansa.Ginising niya ang natutulog na damdamin ng mga Pilipino sa  pamamagitan ng pagsusulat at iba’t-ibang makabuluhang tula at nobela na  pumukaw sa damdaming Pilipino. Si Dr. Jose Rizal ay tinanghal na  Pambansang bayani dahil isa siayang dakilang mamamayang Pilipino.  Namatay siya na walang kalaban laban at walang pag-aalinlangan.

No comments:
Post a Comment